Gonzaga may bagong karera

Dahil sa lockdown, tila nag-iba na ang ihip ng hangin kay Philippine SuperLiga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL) star Jovelyn Gonzaga?

Bukod kasi sa paglagare sa dalawang liga na tengga na ng tatlong buwan dahil sa Covid-19 pandemic, nagpasilip ang 28-anyos, may taas na 5-8 na dalaga sa kagustuhang paglipat ng karera.

Literal na karera!

Sa kanyang Instagram post kahapon, nakasampa siya sa isang mamahalin motor, bakas ang excitement sa ngiti at enjoy sa pagkakaupo na parang handa nang humarurot.

Mukhang pangarap ng Pacific Town-Army Lady Troopers at Cignal HD Spikers mainstay na magpaandar ng nasabing engrandeng motorsiklo.

“Pagbigyan,” caption niya sa kanyang larawan. (Aivan Denzel Episcope)