‘Gonzaga sisters’ tinawag na malnourished

Kilala sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga sa kanilang slim figure. Marami nga ang naloka kay Toni dahil matapos niyang manganak ay parang walang nagbago sa pigura niya.

Subalit may isang netizen na nagkomento sa Instagram ni Alex. Hindi umano healthy ang pangangatawan ng Gonzaga sisters at tinawag sila na malnourished.

“Grabe sobrang payat mo! Para kang malnourish….. u need to eat more! Health before wealth,” saad ng komento.

Tumugon naman si Toni sa netizen at sinabing nasa lahi umano nila ang pagiging payat. Hindi naman nagpatalo ang netizen, depensa nito, “Di naman payat mga parents niyo. Just gonna have to eat a hell a lot more.”
Dito na pumasok sa eksena si Alex. Aniya, “Huy syempre matanda na sila ‘pag nakita mo ang daddy nu’ng kabataan niya ganyan din.”

Ipinagtanggol din ng mga fan ang Gonzaga sisters, dahil hindi umano nasusukat sa pangangatawan ang lusog ng isang tao. (Ronaline Avecilla)