Ito ang maiksing reaksiyon ni Senador JV Ejercito kaugnay sa paglaya ng kanyang kapatid na si dating Senador Jinggoy matapos na makalagak ng piyansa.

Para naman kay Senador Sherwin Gatchalian, sinabi nitong na matapos ang tatlong taong nasa kulungan, pagkakataon na umano ni Jinggoy na punan ang mga oras na wala siya sa kanyang pamilya.

Tiyak marami umanong mahahalagang okasyon sa kanyang pamilya na wala siya.

“After 3 years in detention, this is a good opportunity for him to spend quality time with his family and love ones. He missed numerous important events of their family. It’s time to catch up and appreciate those people who did not forget him while he was away,” ayon kay Gatchalian.