Good luck, Coach Jamike — Beda

Jamike-Jarin

Pinasalamatan ng San Beda si coach Jamike Jarin sa paghubog nito sa Red Lions na naibalik niya sa tuktok ng NCAA.

Tumawid na raw sa UAAP si Jarin at base sa ulat ay mamanduhan ang NU kapalit ni coach Eric Altamirano.

“In behalf of Fr. Aloysius Marana, OSB, the Rector-President, and San Beda College, I wish Coach Jamike Jarin the best in his career as he takes on the new challenge as head coach of the National University Bulldogs in the UAAP,” anang statement ni Red Lions team manager Jude Roque.

“We will always be grateful for the fruitful two years that he nurtured the Red Lions, and for the many championships he helped win for the school, especially the 2016 NCAA title, and the 2015 Fil-Oil Cup and PCCL crowns,” dagdag ni Roque. “Coach Jamike will always be part of the Bedan family.”

Naghahanap ang Beda ng ipapalit kay Jarin, ilan sa mga matutunog ang pangalan nina Boyet Fernandez, Louie Alas at Jimmy Alapag.

Giniyahan ni Fernandez ang Mendiola-bases squad sa 2014 NCAA title bago umalis pag timunan ang NLEX sa PBA. Nakadalawang seasons sa Road Warriors si Fernandez bago pinalitan ni Yeng Guiao nitong 2016-17 season.

NCAA champion coach din si Alas na assistant ni Alex Compton sa Alaska, at kare-retiro lang ni Alapag sa PBA.