Good news sa PH cycling

ramil-cruz-turning-point

Positibo ang isa sa mga ninong ng Philippine cycling na si Jose Victor Paterno na may magku-qualify na Pinoy o Pinay pedalpushers sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Ginawa ng 47-year-old Philippine Seven Corp. president, CEO & executive director ang pahayag sa 7-Eleven,­ Cliqq-Air21 by Road Bike Philippines Team Presentation and 10th Year Anniversary 2019 Linggo ng gabi sa Phoenix Hotel, Pasay City.

Ani Paterno, tiwala siyang makakalikom ng puntos ang mga national/continental cyclist sa mga pepedalan ngayong taon na ilang kompetisyon ng Asian Cycling Confederation gaya ng 2019 Asian Road Cycling Championships sa Uzbekistan sa Apr. 22-28.

Ang tatlong karerahan sa bansa na tulad ng Asian Championships ay may qualifying­ points na tinakda ang International Cycling Union para sa mga pepedal sa 2020 Tokyo Olympics.

Ang mga ito ay ang 9th LBC Ronda Pilipinas 2019 sa Feb. 8-12 sa Iloilo, Guimaras, Roxas City at Antique, PRUride 2019 sa May 24-26 sa Subic Freeport Zone, at ang 10th Le Tour de Filipinas 2019 sa June 14-18 sa Bicol.

Hinirit naman ni 7-Eleven, Cliqq-Air21 by Road Bike Philippines Team sports director Ric Rodriguez, na top 50 riders sa UCI world rankings tapos ng mga qualifying events sa mundo, na tig-1 bawat sa bansa ang mga makakalahok sa 2020 Tokyo Games cycling event.

Nasa okasyon din maraming stakeholder sa sport ng gabing iyon.

Kabilang si team representative Engr. Pablito Sual o kasama ni Rodriguez, na na sinapublikong magkakaloob siya ng bahay at lupa sa sinumang siklistang makakaabot ng Olympics. (Tama po ba ito?)

Si Donna May Lina na pangulo ng Ube Media, Inc. na organizer ng LTdF at kumatawan sa kanyang ama na si PhilCycling o Integrated­ Cycling Federation of the Phils. chairman Alberto Lina, na aasiste na rin sa nasabing continental cycling team, ngayo’y bukod sa Men Elite ay may Juniors (Under-23), at Women members.

Hindi nga lang tayo nakakuha ng kumpletong lineup para sana mabanggit ang mga bumubuo sa tatlong koponan.