Walang plano si Senador Richard Gordon na humi­ngi ng paumahin kay Senador Leila de Lima matapos ang kanilang naging banggaan sa pagdinig ng Senado kaugnay sa extrajudicial kil­lings na nauwi sa panibagong walkout ng senadora.

Sa halip, giit ni Gordon, ang senadora dapat ang humingi ng paumanhin.

“Hindi magso-sorry ang walang kasalanan. Siya dapat ang mag-sorry sa Senado,” ayon kay Gordon.

Tinawag pa ni Gordon ang walkout ng senadora sa pagdinig na isang ‘unparliamentary’ at ‘conduct of unbecoming a senator’ na kung tutuusin ay maaring patawan ng disciplinary action ng liderato ng kapulungan.

Si Sen. Antonio Trillanes IV, na kakampi ni De Lima, ang humamon kay Gordon na magpakalalaki at humingi ng paumanhin kay De Lima.

Ito’y matapos na pagbintangan ni Gordon ang senadora na nagtago mahalagang impormasyon hingil kay self-confessed hitman Edgar Matobato partikular ang kaso nitong kidnapping with ransom.

Ngunit igniit ni Trillanes, walang itinago si De Lima dahil nasa transcript ng pagdinig ng komite ang nasabing impormasyon na sinabi mismo ni Matobato.