Gordon Dengvaxia report masasapawan – Ping

Inilutang ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang posibilidad na mas katigan ng mayorya ng mga senador ang inilabas na dissenting report ni Senate Minority Leader Franklin Drilon hinggil sa Dengvaxia controversy kumpara sa report ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon.

“May dissenting report na ginagawa ang minority si FMD (Franklin M. Drilon). Gumawa sila dissen­ting opinion, isang possibility mangyari riyan kung majority ng senador sa 23 nakita namin mas rational o mas may katwiran ang dissenting report ang minority report baka yan ang ma-adopt sa floor. Isang possibility yan,” saad ni Lacson sa panayam ng DZBB.

Muli ring binanatan ni Lacson si Gordon sa sobrang kadaldalan nito.

“Yan ang masama kay Sen Dick. Di muna siya nag-iisip. Mas mabilis ang bibig niya kesa sa brain niya. Ang mahirap sa tao ang mas mabiilis magsalita kesa mag-isip,” diin pa ni Lacson. (Dang Samson-Garcia)