Gordon kay Duque: ‘Di ka puwedeng umiwas!

Gordon kay Duque: ‘Di ka puwedeng umiwas!

Hindi umano papayagan ng Senado si Health Secretary Francis Duque na basta na lang makakaiwas sa pagdinig sa isyu ng katiwalian sa Philippinne Health Insurance Corporation (PhilHealth), ayon kay Senate blue ribbon committee chair Senador Richard Gordon.

Ito’y matapos magpadala ng liham si Duque sa Senado na nag-aabisong hindi siya makakadalo sa unang pagdinig na nakatakda sa Huwebes dahil marami siyang bibisitahing lugar na tinamaan ng dengue.

“Sa umpisa puwede (hindi dumalo) pero sa susunod na panahon palagay ko inatupag na ang dengue, hindi ko na siya papayagan,” pahayag ni Gordon sa panayam sa DZBB kahapon.

Ayon kay Gordon, uunahin niyang talakayin sa pagdinig ang ‘structural’ na diperensiya ng PhilHealth at pagkatapos noo’y isusunod na niya si Duque dahil personal naman aniya ang alegasyon laban sa kanya.

“I will try as much as possible na mag-concentrate dun sa structural ng Philhealth saka ihuhuli ko siya dahil yung kanyang alegasyon ay personal naman eh, hindi naman pampubliko,” sabi ni Gordon.

“Ang talagang nakaapekto yung epekto ng financial health ng Philhealth dahil maraming nakaasa diyan. Kung talagang mabubulilyaso yan at panay kaolokohan sa Philhealth, mawawalan ng pag-asa ang mga taong nagkakasakit,” dagdag pa nito.

Naunang inakusahan ni Senador Panfilo si Duque ng ‘conflict of interest’ dahil ang gusali ng tanggapan ng PhilHealth sa Ilocos Region ay pag-aari diumano ng pamilya nila doon.

“If he (Duque) committed a crime siyempre malaking issue yun pero dapat paliwanag muna at inaaral naming kung talgang uubra. Yung mga conflict of interest na yan dapat ma-settle,” ani Gordon.

“Pero sa tingin ko ang mtaagal na hihihingi gn tao, ano ba talaga sitwasyon ng Philhealth, uunahin ko yun. Kung hindi siya makakapunta sa unang hearing, pero sa mga susunod hindi na isya pwedeng umiwas,” saad pa ng senador.

Bukod kay Duque, ipapatawag din ng Senado ang mga regional director ng PhilHealth, opisyal ng Commission on Audit at mga kamag-anak ni Duque. (Dindo Matining)