Hindi trabaho ng Commission on Elections (Comelec) na limi­tahan ang mga paaralan o iba pang organisasyon sa pag-iimbita sa mga kandidato sa kanilang mga okasyon.

Kasunod ito ng panawagan ng Comelec sa mga paaralan na huwag nang imbitahan bilang guest speaker sa graduation cere­monies ang mga kandidato para sa eleksyon.

Sinabi ni Gordon na ang trabaho ng poll body ay turuan ang mga tao o botante na maging mapanuri sa mga pipiliing iboto.

“Hindi ‘yan ang trabaho ng Comelec. There is free speech. Ang kailangan, turuan ang tao manuri dapat mapanuri tayo,” saad ni Gordon.

Binigyang-diin ng senador na dapat matuto ang mga botante na tignan ang mga katangian ng mga politiko na tiyak na maka­tutulong sa bansa.

Iginiit nito na dapat may integridad ang pipiliing manungkulan bilang senador at mga ­lokal na opisyal.