Kumpiyansa ang isang opisyal ng Malakanyang na magagampanang maigi­ ni Sen. Richard Gordon ang sinalo nitong posis­yon matapos mabakante ang chairmanship ng Senate­ Committee on Justice and Human Rights nang patalsikin ng kanyang mga kasamahan sa Senado si Sen. Leila de Lima bilang pinuno ng ­nasabing komite.

Sa isang pulong bali­taan kahapon sa ­Malakanyang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin ­Andanar na binabati o kino-congratulate nila ang pagkakapuwesto kay Sen. Gordon bilang head ng naturang komite.

“…we congratulate also Senador Dick Gordon…Senator Dick Gordon is an illustrious fellow. He has been in the Senate for 12 years and he also served as mayor of Olongapo, chairman of SBMA (Subic Bay Metropolitan Authority).

This guy is ano — is one of the brightest leader­s we have. So I am pretty certain that Senator Gordon will do an ­excellent job,” paghaha­yag ­kahapon ni Andanar.

Nang tanungin si A­ndanar kung okay pa rin ba sa palagay nito na iprisint­a si Edgar ­Matobato ngayong­ si Sen. Gordon na ang pinuno ng komite ay ganito ang itinugon ng ­Palace official, “let’s ­allow the Senate to decide”. ­