Gov’t employees pinaalalahanan

goverment-agencies

Upang hindi mapabilang sa mga isusumbong ng mamamayan sa 8888 hotline, inatasan ng Civil Service Commission (CSC) ang lahat ng mga empleyado­ ng gobyerno lalo na ang mga nasa frontline na reb­yuhin ang Citizen’s Charter.

Sa Memorandum Circular No.14 s.2016 na inilabas ni CSC chairperson Alicia dela Rosa-Bala, ipinaalala ­nito sa lahat ng government agencies ang nasabing batas upang maayos na maserbisyuhan ng mga ito ang mamamayan na may transaksyon sa kanilang tanggapan.

Ginawa ni Dela Rosa-Bala ang nasabing paalala­ sa gitna ng paglulunsad ng Palasyo ng Malacañang ng 8888 hotline na siyang pagsusumbungan ng mamamayan na pinapahirapan ng mga tauhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa kanilang transaksyon.

Magsisimula na umanong tumanggap ng tawag ang Palasyo ng Malacañang sa susunod na linggo.