Naka-isolate at nasa ilalim ng quarantine ang pamilya Ynares ng Antipolo City matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa report, unang tinamaan ng virus si Rizal Governor Rebecca `Nini’ Ynares na nagpositibo kaya naman agad na nag-self quartine sina Antipolo Mayor Andrea ` Andeng’ Ynares, dating Rizal Governor Casimiro `Ito’ Ynares at dating Antipolo City Mayor Casimiro ` Junjun’ Ynares III, maging ang mga pamilya nito.
Ito ang kinumpirma ni dating Antipolo City Mayor Casimiro Junjun” Ynares III at sinabing nasa stable condition na ang kanyang pamilya.
“Sa amin pong palagay, nakuha ni Governor Nini ang virus dahil sa patuloy niyang pag-ikot at araw-araw na pagharap sa madaming mga kababayan natin. Hindi po siya tumigil sa pagdalaw sa kanyang mga kalalawigan dahil bahagi ito ng kanyang tungkulin,” ayon kay former Antipolo Mayor Casimiro `Junjun’ Ynares III.
Naka-quarantine din si Mayora Andeng Ynares matapos makasalamuha ang gobernadora dahil sa pamamahagi ng mga pagkain at planning para sa mga kababayan.
“Si Mayora kasi sya ‘yung nakasama ni Gov. nitong mga huling araw sa pag-iikot sa mga kababayan natin,” ayon pa dito.
“Yung kay papa na test inaantay pa, matagal na nga eh, mahigit isang linggo na,” dagdag pa nito.
Kaya naman paalala ng mga opisyal ng Antipolo City na sakaling may nararamdamang sintomas ay agad na magpatingin sa doktor at kung hindi naman ay kailangang mag-self quarantine para na rin sa kaligtasan ng pamilya. (Vick Aquino)