Gov’t offices lalayas na sa Metro

Albee-Benitez

Bumuo na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Technical Working Group (TWG) para pag-aralan ang pagbuo ng Administrative Capital City Planning para sa housing projects kasama na ang paglayas o pag-relocate sa national­ ­government offices sa Metro Manila.

Ito ang nabatid kay House committee on housing chairman Rep. Albee Benitez matapos magpasya ang mga miyembro ng komite na bumuo na ng TWG para alamin kung papaano ipapatupad ang panukalang ito.

Ayon kay Benitez, ­panahon na para mag-­relocate sa labas ng Metro Manila ang national government offices bilang isa paraan para ma-decongest ang National Capital ­Region (NCR).

“Overpopulation, traffic congestion and high vulnerability to natural disasters have made Metro Manila or the National Capital Region (NCR) a pariah among world cities. There is a need to rethink and develop a masterplan that will decongest Metro Manila,” ani Benitez.

Nagawa na rin umano ito noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos nang inilipat sa Quezon City ang ilang government offices mula sa Lungsod ng Maynila kaya walang dahilan para hindi ito magawa ngayon.

“If we have done it before because we wanted to decongest Manila, then the same reasoning applies, that we could move our administrative offices out of Metro Manila,” ayon pa kay Benitez.