Gawa at natapos na ng Pinay designer na si ­Kirsten Regalado ang gagamiting costume at gown ng Miss Mauritius at Miss Iceland.
Ang nasabing obra ng international fashion designer ay irarampa ng bibihisan nitong dalawang kandidata sa Disyembre 17 sa nalalapit na Miss Universe 2018.
Gawa ni Regalado ang evening gown at national costume ng Miss Mauritius, at national costume rin ng Iceland at umaasa itong maipagmamalaki ito at mai-enjoy ng dalawang kandidata sa Bangkok, Thailand.
Dahil nagkataong ipinagdiriwang ng kanilang bansa ang 50th founding anniversary ay celebration-inspired ang national costume ng Mauritius kung saan mangi­ngibabaw ang gold.
Samantala, nature naman ang inspirasyon ni ­Regalado sa idinesenyong national costume ng Miss Iceland.
Sa kabilang banda’y asahan namang papailanlang din ang obra ni Michael Cinco.
Ang pamosong Filipino designer na si Cinco ang ­napili ni Miss Universe Canada 2018 Marta Magdalena Stepien na lilikha ng susuutin nitong gown kung saan binisita pa ng Canadian beauty queen si Cinco sa boutique nito sa Dubai kamakalawa.
“Couture fitting with the super stunning Miss ­Canada Universe in Dubai before she flies to Bangkok to compete in Miss Universe 2018… Marta is probably one of the strongest contenders to win the crown this year,” saad ni Cinco sa kanyang Instagram post.