Grab dapat palayasin na sa Pilipinas

Broadcaster's view-ely-saludar

Mas makabubuting sa Filipino na lamang ipaubaya ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) sa bansa .

Ang TNC Grab ay kompanya mula sa Singapore na ngayon ay sila na rin ang bumili sa Uber na siyang nakakopo ng TNVS sa bansa.

Limpak-limpak na salapi ang kinikita ng Grab sa mga Filipino at inilalabas lang ito ng bansa.

Dapat ay pag-aralang mabuti ng gobyerno ng Pilipinas na sa isang kompanya na pag-aari ng mga Filipino ipaubaya ang TNVS sa bansa.

Mas malaki ang maitutulong nito sa ekonomiya ng Pilipinas at hindi na lalabas pa ng bansa ang kikitain nito na mula rin sa mga Pinoy.

Magandang silipin ang usapin ng probisyon sa ating Saligang Batas na ang isang Public uti­lity dahil maaaring pumasok dito ang serbisyo ng TNVS sa publiko.

Kung babawiin na ng LTFRB ang akreditasyon sa Grab ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga Filipino na pumasok sa nasabing negosyo at serbisyo.

Sa ngayon ay nakitaan na mas mapagsamantala sa mga mananakay ang Grab dahil napatunayan na ito na mas mataas sumingil sa pasahe kumpara sa Uber.

Ngayong nakuha na ng Grab ang Uber ay wala nang pagbabatayan at mapagpipilian ang publiko.

Maraming reklamo na rin laban sa Grab dahil masyadong mataas itong mani­ngil at ang ilang mga driver ay umaabuso dahil nagka-cancel sa mga kliyente kung ang lugar at matrapik.

Ayon sa LTFRB ay may papasok ng bagong TNC pero kung ganu’n ay palayasin na ang Grab para masolo na ng mga Pinoy na TNC ang operasyon sa bansa.