Nag-trending sa social media ang #GrabAirline sa reklamong mataas na singil ng Grab sa kanilang mga kostumer.

Ayon sa Twitter post ni Kris, @kristoffer_val, “P1,163 pesos from Manila to BGC I love living in the Philippines talaga thank you so much for this wonderful experience @grabph.”

Umani ito ng sari-saring komento mula sa mga netizen. Sabi ni nissi, @nissibasadre, “what does it feel like riding grab airlines?” Habang ang iba, sinabing ito rin halos ang kanilang pamasahe kung uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Hindi lang si Kris ang nakaranas ng parehong sitwasyon dahil nag-post pa ang ibang netizen ng kanilang Grab fare na aabot din sa higit P1,000 kahit pa halos 6 kilometro lamang umano ang distansya ng kanilang biyahe.

Humingi naman ng paumanhin ang ride sha­ring company sa post ni Kris, ayon dito, “Fares generally change depending on the distance bet­ween the pick-up and drop off points, as well as the surge & supply/demand during that time. Thank’s for your patience as we add more dri­vers on the road to meet the demand.”