Pormal na inendorso ni ‘Ang Probinsyano’ star Coco Martin ang kandidatura ni Senador Grace Poe, sa isinaga­wang kampanya sa Cebu nitong Linggo, Marso 31.

Hinikayat ni Martin ang mga Cebuano na iboto ang reeleksyunistang senador na itinuturing niyang ‘ate.’

“Hinihingi ko po sana sa inyo ng suporta, dahil sa sobrang pagmamahal ko sa taong ito at tinuturing kong ate. Ang isa sa mga taong pinapa­kinggan ko at gumagabay sa akin — si Grace Poe,” wika ng aktor sa malaking crowd sa Danao City.

Si Poe ang unang se­natorial candidate na i­nendorso ni Martin.

Ayon sa PUBLiCUS Asia, isang political strate­gy firm, si Martin ang may pinakamalakas na ‘endorsement value’ sa Metro Manila.

Bida si Martin sa TV adaptation ng pelikulang ‘Ang Probinsyano’ ng yumaong action king Fernando Poe, ama ng senadora.

Higit tatlong taon nang tumatakbo sa ABS-CBN ang teleserye at hindi mapatumba ng mga kalabang programa sa rating.

Tinalo pa ni Martin sa lakas ng kanyang endorsement value sina Kris Aquino, Alden Ri­chards at Daniel Padilla. (Lorraine Gamo)