Grace Poe ‘most trusted’ senatorial bet

Muling nanguna si re-electionist Senator Grace Poe sa isang independent/non-commissioned survey na isinagawa ng isang polling firm sa bansa.

Sa survey ng Publicus Asia Inc. noong Marso 16-17 sa 1,800 registered voter sa Metro Manila na ginawa sa pamamagitan ng face-to-face interview, lumalabas na si Poe ang may pinakamataas na voting preference o 72.56% at trust rating na 80.22%.

Pangalawa si Senador Cynthia Villar, pangatlo si Nancy Binay, sinundan ni Pia Cayetano at dating PNP Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Pumasok din sa Top 12 sina re-electionist ­Senator Sonny Angara, Bong Revilla, Lito Lapid, Bong Go, ­Jinggoy Estrada, Imee Marcos at JV Ejercito.