Ipinatawag ng Se­nate Committee on Public Services ang Department of Agriculture (DA) para sa pagsisimula ng public hearing hinggil sa nararanasang krisis sa tubig ng Kalakhang Maynila.

Dahil malaki ang ambag ng agricultural sector sa paglago ng ekonomiya ng bansa, nais ni Senadora Grace Poe, chair ng naturang komite na marinig ang mga hakbangin, plano at long-term measure ng ahensiya para matugunan ang umiiral na suliranin.

“What we are seeing now is not normal and something that households and farmers do not deserve,” saad ni Poe.
Bukod sa DA, pinatawag din ang mga opisyales ng mga concerned government agency, pinuno ng mga water concessionaire na Manila Water at Maynilad, mga regulator at iba pang concerned stakeholder.

Sinabi ni Poe na mahalaga ang pagdalo ng mga ipinatawag niyang opisyales upang makita kung tunay nga bang inaaksyunan ang luma­lalang problema sa kawalan ng tubig.

“Ipapatawag natin ang hearing na ito dahil ang sambayanan, walang tubig, walang mainom, walang paligo ay uhaw na uhaw sa katotohanan,” sabi pa ni Poe.

Sa Martes, Marso 19 ng alas-10 nang umaga, nakatakdang magsi­mula ang public hea­ring.