Nangampanya nitong Biyernes, Mayo 3, sa Iloilo si Senador Grace Poe.

Nagsimula ang kanyang araw sa pagbisita sa Jaro Cathedral, kung saan siya natagpuan noong Setyembre 3, 1968.

Bininyagan siya sa katedral ng noon ay Archbishop ng Jaro na si Jaime Cardinal Sin.

Matapos ang pagbisita sa simbahan ay tumungo naman si Poe sa Pavia National High School at nanood ng Carabao-Carroza Festival.

Sinundan naman ito ng pagdalo niya sa forum sa mga magsasaka sa Sara Gymnasium.

Kinahapunan ay tinungo niya ang Numancia, Aklan kung saan ginawa ang multi-sectoral rally.

Babalik siya sa Maynila ngayong Sabado para naman dumalo sa event ng Angkas sa Quezon City bago tumulak naman patungong Lipa City sa inihandang grand rally doon.