Grace Poe No. 1 pa rin!

Napanatili ni Senador Grace Poe ang pagiging number 1 sa Pulso ng Pilipino survey ng The Center.

Sa isinagawang survey sa 1,800 rehistradong botante sa buong kapuluan, 54.7% ang bumoto kay Poe.

Ang survey ay isinagawa noong Abril 23-27, o higit dalawang linggo bago ang May 13 midterm elections.

Nasa likod naman ni Poe sina Sen. Cynthia Villar, dating Sen. Lito Lapid, Bong Go, Sonny Angara at Pia Cayetano.

Umokupa naman sa ika-pito hanggang 12 puwesto sina Sen. Nancy Binay, dating PNP chief Bato dela Rosa, Atty. Francis Tolentino, dating Senador Bong Revilla, dating Senator Jinggoy Estrada at Sen. Bam Aquino.

Nakabuntot naman sa kanila sina Sen. JV Ejercito, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Sen. Koko Pimentel at dating Senador Mar Roxas.

Nilinaw naman ng The Center na maaari pang magbago ang posisyunan ng mga kandidato depende kung ieendorso sila ng mga religious group na kilalang may bloc voting.