Grace Poe pahinga sa kampanya para sa Angkas

Magpapahinga muna si reelectionist Senadora Grace Poe sa kanyang kampanya para magsagawa ng public hea­ring sa Biyernes, Marso 1, sa isyu sa Angkas.

Kabilang sa mga agenda ay ang mga resolusyon na magpapahintulot sa mga two-wheeled motorcycle na maging public transportation, Magna Carta for Tricycle Drivers and Operators Act, Use of Motorcycles as Public Utility Vehicles, at ang Public Utility Motorcycles Act.

Ang public hearing ay gaganapin sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija dakong alas-10:00 nang umaga.

Ilan sa mga inimbitahan ay ang mga representative ng go­vernment at private sector tulad nina Public Works and Highways Sec. Mark Villar at Interior and Local Go­vernment Sec. Eduardo Año.