“Kayo ang partido ko.”
Ito ang linyang binitawan ni Senadora Grace Poe sa pagbisita sa Burgos Public Market sa Bacolod City.
Taong 2016 nang gamitin din ni Poe ang ganitong linya sa kanyang unsuccessful presidential bid, kung saan tumakbo itong independent subalit inendorso ng bawat indibiduwal na miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC).
Bilang independent re-electionist candidate, sinabi ni Poe sa harap ng publiko na mas magiging malakas ang Senado kung mixed senatorial slate ang pipiliin ng Pinoy voters.
Nilinaw din ni Poe na hindi ito kandidato sa ilalim ng administrasyon o oposisyon kung kaya nanatili itong independent sa mga nagdaang eleksyon.
“Kayo ang partido ko. Ang utang na loob ko sa inyo,” sabi ni Poe.
“Of course, one party will always push for a straight slate. But for me, for example, in my own personal capacity, I talk to the people to vote for certain people whom I know really work,” sabi pa nito.