Binitbit sa pangangalaga ng pulis ang isang Grade 10 na estudyante matapos masamsam sa kanya ang pinaghihinalaang marijuana sa Barangay Bannawag, Aurora, Isabela noong Linggo.
Nakilala ang suspek na si ‘Jay’, hindi tunay na pangalan, ng Brgy. Sta. Rosa ng nasabing barangay.
Nagpapatrulya umano ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team nang makita nila ang suspek na lulan ng motorsiklo.
Pinahinto umano nila ang binatilyo at nang pinabuksan ang kanyang sling bag ay nakita nila ang pinatuyong dahon ng Marijauna na nakabalot sa papel.
Dahil dito ay ipinasakamay umano nila ang binatilyo sa Aurora Police Station (APS) kasama ang mga nasamsam na hinihinalang Marijuana, dalawang vape, tatlong mamahaling cellphone, tatlong charger, isang pocket wifi, dalawang lighter at ang motorsiklo ng binatilyo para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Ayon sa APS, ililipat nila ang suspek sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development sa Aurora. (Allan Bergonia)