Kamot-ulo ang isang Grade 11 student matapos mahulihan ng marijuana residue sa isang improvised glass pipe nang inspeksyunin ng security guard ang bag niya bago pumasok sa paaralan, Biyernes ng hapon sa Barangay Caniogan, Pasig City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director PBGen. Johnson Almazan, dinala na sa pangangalaga ng DSWD-Pasig si alyas Rap-Rap, 17, estudyante ng Arellano University sa Pasig.

Inaresto si Rap-Rap bandang 2:05 Biyernes ng hapon habang papasok sa Entrance Gate 1 ng Arellano University-Pasig. (Vick Aquino)