Patay ang isang batang estudyante matapos mabagsakan ng bakal na poste habang naglalaro sa labas ng kanilang paaralan sa Brgy. San Manuel, Echague, Isabela noong Biyernes.
Ang biktima ay nakilalang si Angelo Jorial, 8, grade 3 pupil sa nasabing bayan.
Ayon sa Echague Police Office (EPS), bago mangyari ang insidente, breaktime umano ng biktima at ilang kaklase at naglaro sila sa labas ng kanilang eskuwelahan.
Habang naglalaro, humila sila ng isang volleyball net na nakakabit sa dalawang poste na bakal, dito’y natumba ang isang bakal na poste at aksidenteng nabagsakan sa ulo si Jorial.
Agad na dinala sa ospital ang biktima ngunit makaraan ang ilang oras ay Binawian din ng buhay.