Grade 4 pupil sa Ateneo nambu-bully ng mga kaklase mula pa noong Grade 2

bubwit-ni-deo-macalma
DEO MACALMA 

 

Alam n’yo bang mayroon pang isang pupil sa Ateneo de Manila University ang nambu-bully ng mga kaklase at hindi malayong matulad sa Junior high kung hindi didisiplinahin ng magulang at ng management ng Ateneo grade school department.
Ayon sa aking bubwit, Grade 2 pa lang ang pupil ay marami nang reklamo laban sa bata sa teacher adviser ng klase pero wala namang ginawa ang teacher dahil ito pala at ang iba pang teachers na gaya n’ya ay malapit sa mommy ng bully pupil. Tsk tsk.
Ayon sa aking bubwit, ilan sa ginagawa ng Batang Bully sa kanyang mga kaklase ay nanghihila o nanghuhubo ng short pants, naninipa, mabuti na lang hindi pa s’ya black belter, nanduduro, pamamahiya, naninigaw ng F.U. at nananampal.
Ang pinakahuling pambu-bully ni pupil ay noong Disyembre nang paluin nito sa puwet ang isang kaklase dahilan para ireklamo s’ya kay teacher Ms. Bautista at kay Ms. Cantilang na Grade 3 coordinator.
Pero alam n’yo ang nangyari sa reklamo sa dalawang tea­cher? Ayon sa aking bubwit, WALA. Ang sagot lang daw nina Bautista at Cantilang sa nagreklamong pa­rents ay ibabalita ang kanilang sumbong kay Ms. Salvador na head master ng grade school.
Ni hindi man lang daw masinsinang inusisa ng teachers ang nangyari at mga nakalipas na nangyari na karaniwang ginagawa ng mga sinserong opis­yal na pinaratingan ng nakababahalang sumbong.
Ngayon ay balik- eskuwela na naman at nag-aalala ang mga magulang ng mga pupil na binu-bully kung ano aabutin ng kanilang mga anak sa bully pupil, na baka maulit na naman ang mga insidente.
Mantakin n’yo two years nang ginagawan ng masama ng batang bully ang kanyang mga kaklase mula pa noong sila’y Grade 2 pa lang.
Tawagin na lang natin siguro ang pansin ng mommy ng batang bully na tila malakas sa teachers sa Ateneo grade school dahil hindi inaaksyunan ang mga reklamo sa bully pupil.