Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na ang mga magtatapos sa Grade 6 at Grade 12 lamang ang magkakaroon ng graduation ceremony ­habang ang Kindergarten at Grade 10 ay ­moving-up ceremony.

Sa memorandum na inilabas ng ahensiya na nagsasaad na hindi lamang mga magtatapos sa Grade 12 o senior high ang magkakaroon ng graduation ceremony ngunit maging ang mga Grade 6 completer para sa school year 2018-2019 batay sa nakasaad sa DepEd order No. 2 na inisyu noong Pebrero 18.

Laman din umano ng nasabing kautusan na makakatanggap ng elementary certificate ang mga magtatapos sa Grade 6 habang senior high school diploma ­naman ang ibibigay sa mga mag-aaral na Grade 12.

Gayundin, sertipiko lamang ang matatanggap ng mga Kindergarten at junior high school certificate naman sa Grade 10.

Samantala, ipinaaalala ng pamunuan ng DepEd sa lahat ng pampublikong paaralan na hindi kailangang magsagawa ng bonggang selebrasyon para sa moving-up at graduation ceremonies.