BURGOS, Pangasinan — Arestado ang isang Grade 9 student matapos mahulihan ng baril at mga bala sa loob ng silid-aralan sa Barangay Pogoruac ng bayang ito.

Kinilala ni P/Insp. Dexter Tayaba, Deputy Chief of Police dito, ang estudyante na nasa pangangalaga ngayon ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) na si Jever Angelo Sison, 16, Grade 9 student, at residente ng barangay Ilio-Ilio dito.

Nakumpiska umano ng kanyang teacher na si Eve­lyn Cabalbal mula sa suspek ang isang homemade revolver at isang Smith and Wesson na may kasamang limang live ammunitions para sa 9mm na baril.

Depensa ng bata, ipinahawak lamang sa kanya ang naturang baril at aksidenteng nadala sa paaralan.