Grand Lotto 6/55 abot na sa ₱240M

abante-tonite-lotto

Aabot na sa tumataginting na P240 milyong piso ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa magaganap na raffle draw ngayong Lunes nang gabi.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakadale sa jackpot prize na na-draw noong Sabado sa winning combination na 23-54-03-43-30-36 na mayroong P232,708,852.00 premyo.

Samantala, mayroon namang 16 mananaya ang nakakuha ng limang winning combination at nanalo ng P116,090.00 bawat isa.

Nabatid na ang Grand Lotto 6/55 ay napanalunan noong Setyembre 2018 ng nag-iisang mana­naya mula sa Barotac Nuevo, Iloilo na nanalo ng jackpot prize na P53.4 million.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado.