Nakatakdang isulong ang 2018 Mayor’s Cup Chess Tournament, NCFP rated event ngayon araw sa Robinsons Place-Ba­libago sa Angeles City, Pampanga.

Paglalabanan sa one-day event ang Open at Kiddies division.

Tatanggap ng P6,000 ang magkakampeon sa Open division, nakalaan naman ang Cash prizes na tig P4,000, P2,000, P1,000 at P700 para sa second hanggang fifth placers, ayon sa pagkakahilera.

Mag-uuwi ng P3,000 ang mananalo sa kiddies division habang may tatanggapin ang second hanggang fifth na tig P1,500, P1,000, P700 at P500.

Ayon kay tournament director Jose Fernando Camaya, ang layunin ng torneo ay upang mahasa ang mga potensyal na chess players at palakasin ang kanilang grassroots program.