Epitome of grace, beauty and intelligence ang bagong Ms. Universe na si Catriona Gray.

Marami ang na-impress sa kanyang pagrampa at talaga namang tumatak ang kanyang ‘slow-mo’ twirl.

Gayunpaman, hindi alam ng publiko na may scoliosis pala ang nasabing beauty queen.

Ito ang naging pagtatapat ng Bb. Pilipinas Grand International 2016 na si Nicole Cordoves, na malapit na kaibigan ni Catriona.

Aniya, nahirapan daw si Catriona na i-perfect ang nasabing slow-mo twirl.

“May scolio siya. So iyong first few practices niya talaga, umiiyak siya kasi iyong posture pa lang na you’re gonna pull yourself like this para straight na straight iyong body mo and you get the curves, ang hirap para sa kanya,” pagbubunyag niya.

Dahil sa pagtatapat na ito ni Nicole, nadagdagan pa ang naging tagahanga ni Catriona na sobrang bumilib sa kanyang ipinakitang dedikasyon at determinasyon.