Nakiisa na ang pamunuan ng Department of Energy (DOE) sa Green group sa panawagan at pagtutol na gumamit ng ‘coal’ o karbon para sa enerhiya sa bansa.
Nagpahayag naman ng labis na suporta ang Power for People Coalition (P4P) sa DOE sa panawagan sa Meralco na baguhin ang regulasyon at bigyan ng kakayahang umangkop ang ‘power suppliers bidding’ sa pangangailangan ng enerhiya, kasabay nang pagtutulak na isama ang ‘renewable energy’
(RE) sources sa ‘power distributor’s energy mix.’
Hiniling ng Meralco na mag-bid para sa 1,200 megawatts ng suplay subalit tinukoy na ang elektrisidad ay kailangang nanggaling mula sa kontorbersiyal na “high efficiency, low emissions” (HELE) technology, na sinasabing nakakabawas ng ‘emissions’ na hindi maglalabas ng ‘total pollution’ na sanhi ng paggamit ng ‘coal’ o karbon.
“We welcome the announcement of Sec. Alfonso Cusi calling on Meralco to change its terms of reference for its competitive selection process (CSP). However, we are not happy that the changes he asks for will just allow more coal-fired power plants to participate, instead of taking the opportunity to obey President Duterte’s directive to have more renewable sources available to Filipinos,” ayon kay P4P Convenor Gerry Arances.