Green ibabalik ang tikas sa 3-pointer

Supporting cast lang si Draymond Green sa ‘death lineup’ ng Golden State noong panahon ng championship runs ng Warriors, pero napakarami niyang pinahirapan sa opposing teams.

Hindi siya scoring machine tulad nina Splash Brothers Stephen Curry at Klay Thompson at ni Kevin Durant, wala din siyang NBA Finals MVP tulad ni Andre Iguodala.

Pero lagi siyang nasa eksena. Kontrabida sa mga kalaban, bida sa Warriors side.

Sa taas na 6-foot-6, siya ang pambara ni Steve Kerr sa gitna kapag nag-small ball na ang Warriors.

Maliit, pero napakatibay sa depensa na hindi kayang tibagin sa paint ng mas malalaki sa kanya. Kaya pa niyang magbaba ng bola, pumasa at higit sa lahat ay tumitira sa labas.

Pero nitong mga huling taon, bumaba ang percentage niya sa labas ng arc. Mula sa 38 percent shooting sa 3-point land noong 2015-16, taun-taon pababa at 28 percent na lang ngayong 2019-20 season.

Sa ‘All The Smoke podcast, ikinuwento ni Green kung paano bumaba ang kanyang long-range shooting. Nagsimula aniya pagkatapos ng sweep ng Warriors sa Cavaliers noong 2018 Finals.

“The next day, I couldn’t really walk. If we didn’t sweep, I don’t know if I would have been able to play in Game 5,” ani Green. “And then the day after that, I couldn’t move at all. I got to the point where I was sitting on the couch with my leg opened up.”

Nagkaroon ng isyu sa kanyang balakang, kaya sumailalim siya sa re-strengthening.

Nabago roon ang tira niya.

“Because it changed the way I lift up and all of this shit. So I’ve been working on re-strengthening that and getting my 3-pointer back,” dagdag ni Green.

At may banta siya sa mga kalaban.

“If I can get that (3-point shooting) back to above 36 percent, possibly shoot 40 percent, which I know I’m more that capable of, the league is in trouble again if I can do that.” (VE)