Green siniwalat ang puno’t dulo ng sagutan kay Durant

Sa unang pagkakataon, binasag ni Draymond Green ang puno’t dulo ng sagutan nila ni Kevin Durant noon sa Golden State Warriors.

Mahaba-haba ang paliwanag ng forward kina Matt Barnes at Stephen Jackson sa ‘All the Smoke’ ng Showtime.

Umpisa pa lang daw ng season ay nagpapatulong na si Green kina general manager Bob Myers at coach Steve Kerr para magkaayos sila ni KD, pero walang nangyari. Hanggang maganap ang sagutan sa dulo ng talo sa Clippers noong Nov. 12, 2018.

“So we’re playing the Clippers, and you know how I am – I’m gonna roll with you, I’ll take the bullet for you, I’ll take the heat in the media for you, I’ll take the suspension for you, I’ll take the fine, I’ll take the tech, whatever – for my guys,” ani Green. “But in return, all I need from you is just to know that you’re with me.”

Sa isang timeout, bumusa na raw si KD.

“He comes to the bench and he slaps the bench like, ‘Yo! Pass me the f***ing ball.’ I’m like, ‘Get the f*** outta here. F***ing run then.’ And he’s like, ‘You heard what the f*** I said’ and slaps the chair: ‘Pass me the f***ing ball. I’m like, ‘Yo, you better calm the f*** down. I don’t know who the f*** you think you’re talking to,’” paliwanag ni Green.

Hindi tumiklop si Green, alam niya kung ano ang kinalalagyan sa Warriors bago pa dumating sa Bay Area si Durant noong 2016. Nagmumurahan pa rin daw sila.

“And then DeMarcus (Cousins) pulled me out of the huddle like, ‘Yo, calm down. I feel where you’re coming from but relax. It’s too much,’” dagdag ni Green.

Pagbalik ng team sa Bay Area, kinausap raw nina Myers at Kerr si Green, pinag-a-apologize. Ayaw ni Green.

Natawa pa raw si Green nang sabihan siya ni Myers na suspendido siya ng isang laro.

Binanggit noon ni Durant na kaya siya umalis sa Golden State ay dahil kay Green.

“If Kevin really wanted to be here, all he would have done si went to Bob and said, ‘Yeah, I’ll stay. But Draymond gotta go.’ And guess what – Bob Myers would have called me and said, ‘Draymond, I love you – and I won’t trade you to a bad team – but where do you want to go?’” sundot ni Green.

Hindi nga ‘yun nangyari, nasa Brooklyn na si Durant at nanatili sa Warriors si Green. (VE)