Gretchen, ‘advance party’ sila ni PDU30 sa Japan

Gretchen Barretto

IF you follow Gretchen Barretto on Instagram (@gretchenbarretto), maaaliw ka sa lovey-dovey ni Tonyboy Cojuangco.

Madalas siyang mag-post ng mga video na natu­ral na natural lang at hindi ‘yung nagpe-pretend at may “sugar-coating”.

Nasa Japan ngayon si Gretchen kasama ang ilang kaibigan at ayon sa kanya, “advance party” ­sila ni Pres. Rodrigo Duterte. “Business delegates” daw ang grupo nila.

Sa latest video na pinost ni Gretchen sa IG, naka-­eyeglasses siya na hindi­ ­niya ikinakaila na may grado dahil kailangan niya ‘yon dahil at her age na 46, may kalabuan na ang mga ­mata niya.

Isa si Gretchen sa mga celebrity na mahilig mag-document at i-post sa IG ang halos lahat ng activities.

Sa mga post ni Gretchen­ sa IG account, iisipin mong matakaw ang semi-retired actress dahil ang dalas-dalas nilang kumakain ng kanyang mga kaibigan.

Madali niyang naba-burn ang kanyang mga kinakain dahil ang dalas din niyang mag-exercise at cross-training na pino-post din niya ang mga video.

***

martin-nievera
MARTIN NIEVERA

Worth it ang pag-uwi ni Martin Nievera sa ­‘Pinas noong Biyernes nang ­umaga mula sa Los Angeles,­ California.

Bukod sa nakapag-host at nakakanta na siya­ sa Star Magic Ball noong Sabado sa Shagri-La Makati, nakapag-guest siya sa Star Awards for M-TV (Music and Television) sa Novotel Hotel noong Linggo­ nang gabi.

Eh, si Martin ang nanalong best male concert performer of the year, kaya nagawa  niyang i-accept ang award na ‘yon, na siyempre pa eh very proud and thankful siya.

Nanalo si Martin ng nasabing award para sa Royals concert.

Noong Lunes, naka­pag-pictorial si Martin bago siya lumipad pabalik ng L.A. nang 9:00 PM.

May concert sila ni Lani Misalucha sa Pechanga Casino ngayong Sabado’t Linggo.

Ang sad part, wala si Martin sa mismong birthday ng anak niyang si Santino noong Linggo, pero nandoon ang mga kuya ng bata, sina Robin at Ram.

Katulad ni Martin, ­sobrang love na love nina Robin at Ram ang bunsong kapatid.

Sa Nobyembre 15 na ang balik ni Martin ng ‘­Pinas para sa isang show niya sa Cebu.

In fairness, parang hindi napapagod si Martin sa kabibiyahe dahil kapag nagsu-show na siya ay very energetic pa rin, huh!

***

Bongga ang season 7 premiere ng The Walking Dead noong Lunes (Sunday sa Amerika), ‘noh?!

Aba, favorite topic ‘yon ng napakaraming Kap­a­milya at Kapuso stars, huh!

Pati ilang executives ng dalawang nangungunang TV networks ng ‘Pinas, pinag-uusapan din ang epi­sode na ‘yon ng The Walking Dead kung saan namatay ang character na si Glenn (na isa sa pinakaaabangang characters ng The Walking Dead simula pa noong season 1).

Namatay rin ang cha­racter ni Abraham, pero si Glenn talaga ang pinag-usapan at maraming mga babae’t mga bading na ­nalungkot.

Si IC Mendoza, hindi­ raw maka-recover sa pagkamatay ng character ni Glenn dahil crush niya ‘yon!

Feeling namin, nabawasan ang viewership noong Lunes ng primetime teleseryes na kasabay ng season 7 pilot ng The Walking Death at wagi ang Fox International cable channel, huh!