Gretchen, Barbie & Charo, gracious sa Cinemalaya

Barbie Forteza

ANG diva that you love, kasama ang ilang Cinemalaya 2016 classmates, ay masayang nagkuwentuhan.

From time to time, humihinto ang aming chikahan. Kasi, may ilang artistang nagpahalaga sa aming mga presensya bilang press people.

We are not asking too much, of course. A simple hi or hello, a nod, a smile, ayos na ayos na.

Maagang dumating at nagpugay si Barbie Forteza na pretty in pink ang gown with matching reading lunettes.

Nag-say hello at graciosang kumaway rin ang Cinemalaya first lady Gretchen Barreto.

Nagbigay-galang ang Quick Change best actor, ang glam na glam na si Mimi Juareza.

The woman who aged gracefully at age appropriate ang outfit of the night, so loving her pearl necklace and earrings combo, si Ms. Charo Santos Concio… bumati sa grupo at sinambit pa ang mga pangalan nina classmate A & B.

Lo and behold, duma­ting ang isang starlet na halos kasunod lang ni Ms. Concio kaya imposibleng hindi niya nakita ang pagiging graciosa nito sa members of the entertainment press.

Naninigas ang leeg ni starlet.

Gretchen Barreto
Gretchen Barreto

Hindi bumati. Hindi ngumiti.

Ang kachikahan niya lang ay kanyang kapwa starletita.

Dinaanan ang grupo namin na malayo ang tingin at parang may ibang tinatanaw.

Ang agaw-pansin sa kanya ay ang ruby red lip stick at styling na tila pinag­laruan.

Kasi, ang top niya ay parang gula-gulanit na sando with a halatang pinapa­kita namang undergarment and a floor length black skirt.

Nagpapaka-bohemian chic.

Mapapatawad na namin sana ang ‘di niya pamamansin. Nakaupo na kami sa aming assigned

Charo Santos at Tommy Abuel
Charo Santos at Tommy Abuel

seats sa Tanghalang Nicanor Abelardo.

Si La Greta, nag-sashay in front of us and as always, hi and hello si Ms. Barretto.

At ang kasunod niya, juice ko Lord, eh ang starlet.

Tigas na tigas na naman ang leeg nito with matching malayo ang tingin.

Sabi ni classmate A, “Ibang-iba talaga ang artista noon at ngayon.”

The WHO si starlet with ruby red lipstick? Naku, ‘wag na natin siyang pangalanan.

Dahil sa ginawa niya, hindi siya masyadong kawalan sa showbizlandia. Kesa pangalanan, mas bagay na bagay na siyang maging finality the WHO.

***

Ang major, minor, technical awards ng Cine­malaya 2016… distri­buted sa Pamilya Ordinaryo, Tuos at Mercury is Mine.

Emosyonal si direk Eduardo Roy Jr. matapos tanggapin ang best picture balanghai.

Inialay niya ito sa kanyang nama­yapang kaibigan na si Francis Xavier Pasion.

Post ni Direk Edong, “Tama na po!!! Nakakalula na ang labis na kaligayahan!!! Salamat sa mga bumati, nakakataba ng puso!!! Mahal ko po kayo!!! Best Picture! Pak! Best director!

Pak! Netpac Award! Pak! Best Actress! Pak! Best Edi­ting! Pak Ganern!”

Ang Bagong Pamilya ni Ponching, inuwi ang best supporting actress award para sa beteranang aktres na si Ms. Lolli Mara at ang I America, best supporting actress trophy rin para kay Ms. Elizabeth Oropesa.

Ang nakakatumbling na panalo, tied for best supporting actor ang apat na lead actors para sa pelikulang Hiblang Abo.

Bida sina Lou Veloso, Nanding Josef, Leo Rialp & Jun Urbano, tapos, wagi sila as best suppor­ting actors.

Ano ito?

Was it because they supported each other so well in the film kaya best supporting actors sila?

Kalurks! Ang bangs ko nag­dabog, huh?!

Big upset ang hindi pagkapanalo ni Ronwaldo Martin para sa Pamil­ya Ordinaryo.

Sa ‘timer’ na si Tommy Abuel ibinigay ang best actor trophy para sa pelikulang Dagsin.

Present ang nag-iisang superstar Nora Aunor sa awards night. She seemed visibly happy sa pagkapanalo ni Hasmine Kilip, best actress para sa Pamilya Ordinaryo.

No show rin si Judy Ann Santos Agoncillo na maraming nag-predict na may chance maging pinakamahusay na pangunahing aktres bilang Juanita sa Kusina.

Walang inuwing balanghai trophy ang Lando at Bugoy na para sa diva that you love eh best picture at dapat naging major awards contender.

In time, this film will get its vindication.