Wala pa ring tigil ang aktres na si Gretchen Barretto sa pakikisawsaw sa isyu nina Nicko Falcis at Kris Aquino.
Bagama’t nilinaw na ni Kris na hindi niya papansinin ang aktres sa pakikialam nito ay patuloy pa rin ang pang-aasar nito.
Pinagpiyestahan na naman ng mga netizen ang video na ipinost ni Greta sa kanyang Instagram. Nag-post siya ng tatlong video kasama ang mga kaibigan sa World PitMasters Cup 9-Cock International Derby.
Sa kanyang ikatlong video ay lakas-loob na ginaya ng aktres ang pagbabanta ni Kris kay Nicko.
“Don’t step into the country, or you will be dead. Papapatay ka ng aking pamilya,” aniya habang sakal na nakayakap sa kaibigan.
Umani naman ang panggagaya niya ng iba’t ibang reaksiyon.
Komento ng mga netizen:
“Gusto talaga makisawsaw sa issue. Gretchen, kris already said that you are not involved. So wag ka na magpapansin. You are not cute, act your age!”
“Grabe galit nya kay kris ha. Bully si kris?? Sila nga itong nambubully e.
Nagsamasama mga duwag. You cant bring a good soul down. Greta mahiya ka puro ka…” (Ronaline Avecilla)