Gretchen inisnab ang reunion ni Dawn?

tonite-pak-allan-diones

Si Dawn Zulueta ang nag-initiate ng reunion ng mga female co-host noon ni German ‘Kuya Germs’ Moreno sa “GMA Supershow.”

Bukod kay Dawn ay dumating sina Jackielou Blanco, Mariz Ricketts, Maricel Laxa-Pangilinan, Lani Mercado-Revilla, ­Arlene Muhlach, Pops Fernandez at Rachel Anne Wolfe sa Manila House Private Club sa BGC kung saan ginanap ang reunion.

Ang sabi sa amin ni Ms. Jackielou, biglaan lang ‘yon dahil nagbakasyon dito si Rachel Anne galing Amerika, so naisipan ni Dawn na mag-organize.

Sey ni Ms. Mariz, inimbita nila lahat ng co-hosts nila before kabilang na si Gretchen Barretto, hindi lang daw tumugma sa ­schedule ng mga ito.

Bukod kay Gretchen ay wala rin sa reunion si Sharon Cuneta (na hindi raw puwede), Zsa Zsa Padilla at Jean Garcia (na parehong nasa abroad). Sina Jam Morales at Princess Punzalan ay nakatira na pareho sa abroad, pero kasama raw ang mga ito sa Viber group nila.
Tanong namin kay Mariz, kasama rin ba sa Viber group nilang ‘yon si Gretchen?

“Napansin ko ba?” patay-malisyang sagot sa amin ng misis ni Ronnie Ricketts, tapos ay nagtawanan na lang kami.

Nang si Jackielou naman ang usisain namin, hindi rin daw ito sure. Kaya biniro namin itong i-check ang kanyang celfone para malaman kung ka-join ba sa Viber group nila si Greta o hindi. Natawa na lang din si Jackie.

Basta ang alam ng dalawa ay imbitado ang lahat, kaya lang ay hindi puwede ‘yung mga hindi nakara­ting. So, nagpasabi raw ang mga ito na baka sa susunod na ­reunion na lang.

Ani Jackie, ang saya ng pagkikita-kita nila at iba na ang kanilang mga usapan. Beauty regimen at saka maintenance meds daw ang topic bilang nagkaedad na silang lahat.

Nag-update-an sila ng mga buhay nila at nag-reminisce, so na-miss nilang lahat si Kuya Germs.

Plano nila na sa susunod ay sa bahay na ng isa sa kanila ang venue. Tapos ay iikot daw kung kaninong bahay naman.

Basta definitely ay mauulit ang kanilang get-together dahil sobrang na-renew daw ang friendship nila. Gusto nila itong gawin regularly na kahit every six months o once a year.

Kung si Gretchen ang mag-iimbita sa bahay nito, pupunta ba silang lahat?

“Ako, pupunta. Lahat naman puwedeng pumunta kung ­puwede naman ‘yung schedule,” safe na sagot sa amin ng very prim and proper pa rin na si Mariz.

Posible kaya na mabuo silang lahat na nandu’n pareho sina Dawn at Gretchen?

Sagot ni Jackie, “I think it is. Kasi, we also asked Dawn, eh. Hindi ko na nga maaalala whatever they had. I didn’t even ask anymore.

“But sabi niya, ‘Jack, I really don’t mind. It’s really okay with me.’ So, I guess it’s okay. Sa kanya naman nanggaling.

“Siguro feeling ko, ‘pag nagkita sila, whatever it is that they had, siguro okey na ‘yon. The fact that if available si Gretchen, she would’ve been there, so I guess, whatever man na ano, siguro tapos na ‘yon sa kanila.”

Si Jackielou ang gumaganap na boss madam na kontrabida sa comeback action movie ni Ronnie Ricketts.

KathNiel paparangalan ng FDCP

Ngayong gabi ang big event ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na magsisilbing kick off ng 100-year cele­bration of Philippine cinema.

Ayon kay FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra, hindi stiff ang Film Ambassadors’ Night mamaya sa SM Aura Premier Samsung Hall sa BGC. Experiential ito na lounge feel at maraming magagaling na artist ang magpe-perform.

Imbitado ang KathNiel at si Direk Cathy Garcia-Molina dahil kabilang sa tatlong bibigyan ng Camera Obscura Artistic Excellence Award ang pelikulang “The Hows of Us” ng Star Cinema, na highest-grossing Filipino film to date (P800M worldwide).

Sey ni Chair Liza, sa panahon ngayon na halos hindi na kumikita ang local films, testament ang “The Hows of Us” na nanonood pa rin ang Pinoy audience sa mga sinehan.

Ang dalawa pang awardees ay si Kidlat Tahimik na kinikilalang ama ng Philippine independent cinema, at si Bianca Balbuena na producer ng acclaimed indie films na kinilala sa ibang bansa.

Bukod sa Camera Obscura awardees, pagkakalooban din ng FDCP ng pagkilala ang 86 honorees na nagkamit ng karangalan sa mga international film festival nu’ng 2018.