Gretchen ipinagtanggol si Hidilyn Diaz

Naglabas ng frustration si Hidilyn Diaz sa gobyerno dahil sa estado ng Philippine weightlifting. Dahil dito ay tinawag siyang mayabang at lumaki ang ulo.

Si Hidilyn ay isang Olympic medalist sa larangan ng weightlifting. Marami rin ang dismayado sa panghuhusga sa kanya ga­yong ang nais lamang niya ay suportahan ng gobyerno ang mga athlete.

Nagpahayag din ng opinyon at suporta si Gretchen Ho.

Aniya sa tweet, “Being outspoken =/= mayabang. Minsan kailangan mo talagang magsalita para sa ikabubuti mo at ng iba. Makinig naman kasi kayo, baka may punto. Good Job @diaz_hidilyn for ­using your platform. Supporting you. #ParaSaAtleta”.

Nagkomento rin ang isang netizen na labis na tumama kay Hidilyn.

@louieboy4u: “Hidilyn stop ka na dyan. Kung ganyan lang din ang pamunuan nyan eh para saan pa ang pagod at hirap mo. Wala rin naman masyadong suporta galing sa gobyerno. Ok na yung nakapagbigay ka ng karangalan sa bansa. Di mo na rin naman kaila­ngan ng pera kasi madami ka na.”

Dahil sa pahayag ng netizen ay napaisip si Hidilyn.

Aniya sa tweet, “please wag ganito baka magstop n ko.”

Hinikayat siya ni Gretchen at nagkomento.
Ani Gretchen, “DON’T stop. Keep fighting. Dito kami lahat naka-­support sayo.”