Gretchen isa sa mga Olympic torchbearer

Kabilang din sa mga prominente na ­personaheng napabilang sa mga mapapalad na mapili bilang 2020 Tokyo Olympics torch bearer ang TV personality, volleyball player, cyclist at runner na si Gretchen Ho.

Ikalawang Pinoy si Ho, dating player ng Ateneo de Manila University, na napabilang sa mga ­personahe na napili mula sa milyong nagsumite ng kanilang aplikasyon upang mapabilang sa espesyal na aktibidad tungo sa pagsasagawa ng kada apat na taong multi sports na torneo.

Una nang napili ang Paralympian at Asian Para Games gold medalist na si Ernie Gawilan.

Si Ho, anak ni Netball Association President Charlie Ho, ay kabilang din sa mga ­nagpapalaganap ng beach volleyball sa bansa at tagapagtaguyuod ng iba’t ibang uri ng palakasan.

“Guess who’s going to be a torchbearer at the @Tokyo2020 Olympics??? This is every athlete’s dream!!! I. Just. Can’t. Wait. For the new year to begiiiin! #tokyo2020,” tweet ni Ho.

Inirepresenta kamakailan ni Ho ang bansa sa PruRide sa London kung saan natapos nito ang mahabang ruta sa tampok na karera sa Barkley’s. (Lito Oredo)