Gretchen: Mag-ingat sa paglabas ng bahay

Ngayong nakasailalim na sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila, pinaalalahanan ni athlete-Kapamilya TV network host Gretchen Ho ang lahat na mananatiling mag-ingat at maging responsible kung lalabas ng bahay.

Sa unang araw ng MECQ, maraming post sa social media ang nagpapakitang sangkaterba ang nagsilabasan sa kanilang mga tahanan kahit nananatili ang banta ng COVID-19 sa bansa.

“The gov’t has eased quarantine measures most probably to get the economy going,” bulalas ng 30-taong-gulang, may taas na 5-6 Manileña na naglaro sa Petron Blaze Spikers sa Philippine SuperLiga (PSL) noong 2013-15 sa kanyang tweet.

Paalala niya, “For those who have the “privilege” of staying home, please do.”

“For those who don’t, please remember that you are responsible, not just for your own life, but of your family’s, and others as well,” panapos na pahayag niya. (Janiel Abby Toralba)