
Para sa Makati Prosecutor’s Office, may lack of probable cause ang reklamong qualified theft ni Kris Aquino sa kanyang dating project manager na si Nicko Falcis, dismissed ang naging desisyon tungkol dito.
Walang duda, ang mga kampi kay Falcis, pati na rin siya, ay nagbubunyi dahil sa desisyong ito. Ang emote niya sa kanyang social media account, “Dismissed. The truth may hurt for a little while, but a lie hurts forever… GRATEFUL and HUMBLED. #Notobullying Let’s end this #krisis.”
As expected, ang team of lawyers ni Aquino, motion for reconsideration ang ipapasa sa piskalya.
Siyempre, ang pinakamagandang sawsawera sa lahat, si Gretchen Baretto, umaasta na parang siya ay kapamilya ni Falcis kaya may ganitong hanash, “Congratulations nixs (ascending heart emoticon) God is good and just (heart/love emoji) celebrating now.”
Knowing the fact that Kris hired the best legal team para sa laban niyang ito, alam na alam na nila ang kanila gagawin.
Ang diva that you love, ang tanging hiling sa Digital Empress, ngayong ang mga reklamo niya ay rolling in the deep na, wala na sana siyang mga paandar at payanig pa sa social media tungkol rito.
Kayanin niya sana na ‘wag isambulat ang kanyang damdamin para na rin sa kanyang katahimikan. Nawa’y mapangatawanan niya this time na silence is not only her best defense, but it is also golden.
Gina Pareño, Richard Quan wagi sa Singkwento
Sa katatapos lang na Singkwento International Film Festival Manila Philippines awards night, ang big winners sa acting category para sa short films ay sina Alexis Negrite (“Delta,” best supporting actor), Lui Manansala (“Limang Oras,” best supporting actress), Ronnie Martinez (“Wa, Nan,” best actor) at sa best actress, tabla sina Angeli Bayani (“Ang Nagliliyab na Kasaysayan ng Pamilya Dela Cruz”) at Cataleya Surio (“Paano Bihisan Ang Isang Ina?”)
No show si Bayani. Best in drag ang best actor na si Martinez. Ang Best Short Film ay ang pinagbidahan ni Angeli.
Sa full length film category, ang gumanap na merman na si Tonz Are, mula sa “Rendezvous,” ang best supporting actor. Pangalawang best actor trophy naman ang inuwi ni Richard Quan para sa “Kapayapaan sa Gitna ng Digmaan.” Best supporting actress si Ms. Gina Pareño para rin sa “Rendezvous” at ang mga nanalong pinakamusay na aktres, tabla sina Celestine Caravaggio at Issabelle Lafond para sa Pur Laine. Ang pelikula rin ang wagi bilang best picture.
Present ang living acting legend na si Eddie Garcia para personal na tanggapin ang kanyang lifetime achievement award. Masigabong palakpakan at standing ovation ang binigay kay Ginoong Garcia.
Congrats sa lahat ng mga nominado at nagwagi sa SIFFMP! Mabuhay at mahusay kayong lahat.
Catriona, Clint split na
Sina Catriona Gray at Clint Bondad, hiwalay na ang de-kolor at puti, ang kanilang anim na taong relasyon, tapos na with a tuldok at tandang pandamdam.
Ang pahayag ng Pinay 4th Ms. Universe sa isang panayam, “I’m always grateful to him for the time I shared with him, coz he has seen me through so much, I’ve seen him through so much. We both supported each other. It just didn’t work. And I don’t wanna talk about it that much… One, I’m private; and two, I greatly respect him and I’m grateful for the time that I had with him. I just wish him the best.”
Si Bondad naman, ang paglalahad, “Man, and here I am working so hard on my bad boy image… I stand by all I have ever said about you. You are still the most beautiful woman that I have ever met. I wish you the very best on your path, wherever it will carry you…Truly. This is certainly not what we both wanted, but most certainly what we both need at this point of our life. Closing: But we shared a moment that will last till the end. – James Blunt.”
Ang nangyari kina Catriona at Clint ay patotoo na shit happens even to the most beautiful people. Hindi rin sila iba sa atin.