tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioSino naman ang mag-aakala na ang isang babaeng singganda ni Gretchen Barretto, kinakarir talaga ang pagiging Pambansang Sawsawera, huh!

Ginagawa niya ba ito kasi she is so freaking bored, sangrekwa rin naman ang kanyang pera kaya kahit walang okasyon, ayan, in true Clarissa Gargamonte form sa classic Maricel Soriano movie “Kaya Kong Abutin Ang Langit,” nag-party si La Barretto kahit walang okasyon.

Kamakailan, in full pang-aasar at pang-iinis eme itong ni Gretchen kay Kris Aquino, isang intimate thanksgiving party ang kanyang ginawa para kay Nicko Falcis, ang kasalukuyang tinik sa dibdib ng Digital Empress.

Sa kanyang IG account, puwedeng masilayan ang ilang larawan at video ng mga kaganapan sa thanksgiving party.

Ang hanash ni Barretto sa isang larawang kasama ang kanyang ladies of leisure posse, “Thanksgiving celebration for our dearest @nix722 @jesusfalcis.”

Sa video naman, ang galak na galak na Gretchen ang sentimiyento, “This is a thanksgiving get-together party for Nix Falcis, congrats and to Atty. Jesus Falcis, congratulations.”

Ang nakakaloka sa thanksgiving party na ito, hindi sigurado kung aware ang magkapatid na Falcis tungkol dito dahil nga ni anino nila, kaluluwa o kahit anong paramdam, wala sa mga larawan at bidyong ipinangalandakan ni Barretto.

Kaya hindi puwedeng ikaila na ang not so secret viktoria party niyang ito ay para lang bwisitin, inisin at uratin si Kristine Bernadette. Eto ang pamamaraan ni La Greta para ipamukha kay Aquino na sa unang round ng kanyang reklamo, walang itong probable cause kaya luhaan si Krissy.

Amusing para sa diva that you love ang pag-maximize ni Gretchen sa kanyang new found role bilang sawsawera forever more. Ang kanyang pananalig na si Ginoong Falcis ang tunay na may hawak sa katotohan, hindi pwedeng itanggi.

Nasa demokrasya naman, salapi naman niya ang kanyang ginastos para sa thanksgiving party kaya hindi na natin babasagin pa ang kanyang trip. Kung feeling niya class act ang ginagawa niya sa kasalukuyan, hayaan na natin.
***

May pambayad na sa death certificate

Kristofer tuloy ang libing sa Linggo

What a magnanimous gesture! Kaya hindi na nagtataka ang diva that you love kung bakit ang swerte at tagumpay ni Coco Martin, siksik, liglig at umaapaw kasi nga bukal sa loob nito ang kabaitan, kabutihan at pagtulong.

Kung noong una, ang biyuda ni Kristofer King ay problemadong-problemado tungkol sa pagpapalibing at utang pa sa hospital dahil nga sa biglaan pagkamatay nito, walang dudang maluwag na maluwag na ang kanyang kalooban at pakiramdam dahil ang bida sa top rating “FPJ’s Ang Probins­yano” ang umako na lahat ng mga gastusin.

Manna from heaven talaga ang pagtulong na ito ni Rodel kay King na nakasama niya sa mga pelikula ni direk Brilliante Mendoza partikular na ang mapangahas na “Serbis” kung saan si Martin ay may full frontal at ang namapayapang si Kristofer, may fellatio scene.

Hindi ba’t kalugod-lugod at katangi-tangi talaga si Coco Martin? Walang halong pag-iimbot. Walang alinlangan. Bukas palad at puso ang pagtulong sa isang naging kasamahan at kaibigan.

Parehong sa indie films nagsimula sina Kristofer at Martin. Sinanay at pinanday sa mga makakatotohanang mga pelikula na sumasalamin sa buhay bago pa naging mainstream actors, na nagsimula rin sa pa-support-support hanggang maging superstar nga si Coco at patuloy pa ring namamayagpag ang karera.

Dahil sa tulong ni Martin, makuha na ang death certificate at tuloy na ang libing nito sa Linggo.
Rest in peace, Kristofer King. God bless you more, Coco Martin!