Gretchen pepedal sa PruRide London

Gretchen pepedal sa PruRide London

Tatlong sports ambassador ng Pru Life UK ang mamumuno sa pito-kataong Philippine Team na sasabak sa prestihiyosong karera na PruRide London, nakatakdang isagawa ngayong Linggo ng umaga.

Masusubukan ang kakayanan nina Zoren Legaspi at Kim Atienza sa Surrey 100 miles (160kms) habang si Gretchen Ho ay kasali sa Surrey 40miles (70kms).

Beterano na si Atienza sa mga triathlon race lalo na sa Ironman, habang tatlong taon nang serious biker si Legaspi.

Samantala, beginner pa lamang sa sport ang dating volleyball star turned TV host na si Ho.

Ang PruRide London na taunang nilalahukan ng 100,000 riders ang pinakamalaking one-day race sa buong mundo.

Bukod kina Kim, Legaspi at Ho, kasama rin sa koponan sina Jose Bimbo Santos at Carlos de Guzman (media), at sina Nelsi Rabe at Ryan Benguelo (Pru Life). (Lito Oredo)