WAGAS ang kantiyawan ng mga tao kina Robi Domingo at Gretchen Ho sa launch ng isang cellphone model sa Conrad Manila noong Huwebes nang gabi.
Si Robi ang isa sa endorsers ng nasabing cellphone brand at si Gretchen ang nag-host ng event na ‘yon.
Ginawang biro ng ex-sweethearts ang kantiyawan ng mga tao.
Mukhang enjoy rin sila na gawing biro ang dating relasyon nila.
Sa tingin namin, magkaibigan pa rin sina Robi at Gretchen.
After ng event, hindi na namin nakitang nagkatsikahan sina Robi at Gretchen dahil nagmamadali na ang lahat.
Nang makasama namin si Robi sa dressing room, mukhang masaya ang binata.
Masaya kaya siya dahil nakita na naman niya ang ex-girlfriend niya o dahil kahit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ay mukhang wala silang away?
***
Enjoy na enjoy si Zion sa baby shower party ng mag-asawang Elvis at Alexa Gutierrez.
Nang tawagin ang lolo niyang si Eddie Gutierrez para magbigay ng message kina Elvis at Alexa dahil magiging dalawa na ang apo niya sa mag-asawa, niyaya ng veteran actor ang kanyang apo kina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na kumanta.
Blue Suede Shoes at Teddy Bear ni Elvis Presley ang mga kantang binanatan ni Zion na obviously ay itinuro sa kanya ni Lolo Eddie.
Nang mag-request ng isa pang kanya kay Zion, Fly Me To The Moon naman ang kinanta ng bata.
Ang tatlong kantang ‘yon ang kinanta rin para sa amin ni Zion nang makasama namin siya sa Geneva, Switzerland.
Puwedeng-puwedeng maging singer si Zion at hindi siya nahihiya kapag kumakanta, huh!
Nasa party rin si Mother Lily Monteverde, kaya ang suggestion niya ay mag-artista na rin ang anak nina Richard at Sarah.
Four years old na si Zion at ang bibo-bibo na niya, kaya kung papayag sina Richard at Sarah ay puwede na siyang isalang sa pag-aartista.
Si Ruffa Gutierrez, very stage auntie sa kanyang pamangkin dahil sobrang palakpak siya nang kumakanta si Zion.
Hindi lang makasigaw si Ruffa dahil halos wala siyang boses during the party.
Si Annabelle Rama, very proud lola sa kanyang apo.
Gustung-gusto na rin niya na mag-artista si Zion, pero sina Richard at Sarah ang magde-decide pagdating sa bagay na ‘yon!
***

Nasa taping kami ng Meant To Be noong Biyernes nang madaling-araw dahil may special guest ang show na sinamahan namin sa taping.
Hindi pa puwedeng i-announce kung sino ang special guest sa Meant To Be dahil two weeks pa bago ipalabas ‘yon, kaya secret muna.
Anyway, nang dumating sa set si Barbie Forteza, nakita namin kung paanong nataranta sina Ivan Dorschner at Ken Chan.
Mukhang sa apat na leading men ni Barbie, sina Ivan at Ken ang talagang may “something” for Barbie, huh!
Sina Addy Raj at Jak Roberto, mukhang sobrang close rin kay Barbie, pero ang dating sa amin, wala silang “hidden desire” sa dalaga.
Nakakatuwa na may pagkaing dala-dala si Barbie pagdating sa set at sabay-sabay silang kumain.
May kanya-kanya ring dala ang apat na leading men niya na shinare nila kay Barbie.
Sa pagbababad namin sa set ng Meant To Be, napatunayan namin na masaya sa set at lahat sila ay parang isang pamilya (kahit na taga-Kapuso network sila) dahil ang saya-saya nilang magkakasama!
Malayo ang working atmosphere sa Meant To Be set sa iba pang tapings na napuntahan namin na may kanya-kanyang puwesto ang mga artistang kasali at parang hindi magkakasundo.