Grethcel ‘di kinaya ng Beda

ncaa-gretchel-soltones-ssc

Bumawi mula sa masamang laro nakaraan si power-hitting ­Grethcel Soltones para giyahan ang San Sebastian sa 25-16, 25-13, 25-16 panalo laban sa San Beda kahapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagkamada si reigning two-time MVP Soltones ng 21 hits, 20 mula sa spikes, para pahabain sa apat ang win streak ng Lady Stags at samahan ang defending champion College of Saint Benilde sa tuktok ng 92nd NCAA women’s volleyball.

May average na 17 points per game si Soltones pero 11 puntos lang ang naitala nang makuha nila ang pangatlong panalo kontra makulit na Letran 28-26, 25-14, 24-26, 24-26, 15-7.

“The last game was a wakeup call and the team vowed to come back strong,” wika ni San Sebastian coach Roger Gorayeb.

Namuno sa opensa ng Lady Red Spikers si Francesca Racraquin na may 11 markers.

Walang sagot ang San Beda sa mga atake ni Soltones, nalasap ng Mendiola-based squad ang unang talo sa apat na laro.

Nalusutan naman ng Arellano U Lady Chiefs ang Letran Lady Knights 25-18, 25-14, 29-31, 25-17 para ipinta ang 3-1 card at saluhan sa second spot ang San Beda.

Bokya sa apat na salang ang Letran.