Grethcel-less Baste taob sa FEU

Mga laro ngayon (FilOil Arena)
8:00 a.m. — St. Benilde vs. UP (m)
10:00 a.m. — UST vs. La Salle (m)
4:00 p.m. — NU vs. Lyceum (w)
6:30 p.m. — UP vs. Adamson (w)

Naka-recover ang San Beda mula third set defeat para ipagpag ang TIP 25-13, 25-18, 25-27, 25-13 sa Premier Volleyball League Collegiate ConfeĀ­rence sa FilOil Flying V Arena sa San Juan kagabi.

Nagmukhang mamadaliin din ng Red Spikers ang match nang kunin ang first two sets, nakabalik ang Lady Engineers at iginapang ang panalo sa third sa deuce points. Nag-regroup ang mga taga-Mendiola sa fourth para ipagdiinan ang panalo.

Sa unang laro, ininda ng San Sebastian College ang pagkawala ni Grethcel Soltones nang kapusin sa veteĀ­ran crew ng FEU 25-17, 25-21, 25-14.

Natapos na ang tour of duty ni Soltones kasama si Kath Villegas sa Lady Stags. Nasa bench pa si Soltones, bahagi na ng coaching staff ni Roger Gorayeb, pero mas matalas ang sungay ng Lady Tamaraws.

Nagpasok si Bernadeth Pons ng 13 hits kabilang ang eight attacks points at two aces, nagdagdag si Toni Rose Basas ng 11 markers at kinolekta ng FEU ang first win sa season-ending conference ng liga na inorganisa ng Sports Vision.

Umiskor ng 24 attack points ang Lady Stags, pero namigay ng 21 points sa errors.

Pinangunahan ng 10 points ni Nikka Dalisay ang SSC, may combined 12 points sina Daurene Santos at Joyce Sta. Rita.