Mismong mga dating manlalaro ng Meralco ang pumatay sa kanila tulad nina Kelly Nabong at Jonathan Grey na ngayo’y nasa GlobalPort.

Balanseng depensa at opensa ang pinakita ng GlobalPort para tambakan ang Meralco, 107-88, kagabi sa 2017-2018 Philippine Cup elims sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Umangat ang laro ng 26-anyos na si Grey nang tumapos ng 24 points at five rebounds, bakas si Sean Anthony ng 18 points at five rebs. din, at sina Stanley Pringle at Nabong ay may tig-17 points.

Maagang nakakuha ng apat na foul si Chris Newsome ng Meralco na sa last 3 minutes ng opening quarter ay tinawagan ng tatlong sunod na foul kaya naman buong third quarter ay hindi siya ipinasok ni Norman Black dahil dito lumaki ang kalamagan ng GP hanggang 29 points.

Maganda ang nilalaro ng lahat ng Batang Pier na mga pumuntos, na ikinatuwa ni Pido Jarencio.

“Now we finished stronger,” sambit ng GlobalPort coach.

Wala pa ring kasiguraduhan kung kailan makakabalik ang kanilang key guard na si Terrence Romeo.

“With or without Romeo we are ready, sabi ko nga noon ayokong dumepende sa iisang tao lamang,” hirit ni Pido.

Ang pagkapanalo ng Batang Pier ay naglagay sa kanila sa 3-3 win-loss record habang ang Meralco ay lumagapak sa 2-4 rekord.

Ang iskor:

Unang laro

GlobalPort 107 — Grey 24, Anthony 18, Pringle 17, Nabong 17, Gabayni 9, Araña 5, Guinto 5, Sargent 4, Juico 4, Elorde 2, Taha 2, Flores 0.

Meralco 88 — Newsome 17, Hugnatan 17, Tolomia 15, Baracael 12, Hodge 7, Caram 5, Bono 5, Amer 4, Canaleta 4, Dillinger 2, Salva 0, Lanete 0, Ballesteros 0, Faundo 0.

Quarters: 29-16, 48-37, 82-60, 107-88.