Walang kiyemeng dinisplay sa kalsada ni Detroit Piston star Blake Griffin ang kanyang abs nang nakahubad pang-itaas sa pagpapawis sa gitna ng dinaranas ngayong krisis sa COVID-19.

Hinto man ang mga laro sa NBA, hindi nagpapigil si Blake Griffin nang maispatang nagdya-jogging sa Tinseltown.

Sa kumalat na litrato, kitang bumalandra ang mababatong muscle ng basketbolista. Dahil walang laro ay nagbi-busy-han na lang ito sa pag-eehersisyo o self-training.

Tinigil muna ang mga laro sa US major cage league dahil sa pagtuloy na pagsirit ng coronavirus disease 2019.

Kinunsidera ng liga na magsagawa ng crowd-less o closed door games, pero pinagpasyahan ding ihinto bilng proteksyon na rin sa mga manlalaro, NBA staff at fans.

Kilala si Griffin bilang isa sa mga sikat na manlalaro sa NBA. Wala pa man itong kampeonato sa liga’y nagmarka na ang pangalan sa maraming fans nang mapabilang na anim na beses sa NBA All-Star at sumungkit ng titulo sa NBA Slam Dunk contest taong 2011. (ADE)